creations : Creative Works,

Translation: Michael Verse or Verse for Our Time

Sep 20, 2016

cosmos_1

TRANSLATION: Berso ni Mikael o Berso Para Sa Ating Panahon (Rudolf Steiner, isinalin ni Janneke NEX Agustin)

Kinakailangan nating iwaksi sa ating kaluluwa ang lahat ng takot at sindak sa kung ano ang darating sa hinaharap.

Kinakailangan nating matamo ang kapayapaan sa lahat ng ating saloobin at pakiramdam patungkol sa hinaharap.

Kinakailangan natin ang lubos na kahinahunan sa ating pagtanaw sa hinaharap at sa lahat ng maaaring dumating.

At kinakailangang isaisip natin na anuman ang dumating, ito ay ibinibigay sa atin mula sa pandaigdigang gabay na puno ng karunungan.

Ito ay bahagi ng dapat nating matutunan sa kasalukuyang panahon –ang mamuhay na may ganap na pagtitiwala bagamat walang kasiguruhan sa buhay, nagtitiwala sa parating nariyan na pagtulong ng ispiritwal na daigdig.

Tunay na walang ibang kinakailangan kung ang ating lakas ng loob at tapang ay walang kabiguan.

Disiplinahin natin ang ating kalooban at paigtingin ang pagkapukaw sa kaibuturan ng ating mga sarili, sa umaga at sa gabi.

(Sa umaga)

O Mikael

Ipinagkakatiwala ko ang aking sarili sa iyong pangangalaga

Ipinauubaya ko ang aking sarili sa iyong pagaatas

Na ang araw na ito ay maglarawan

Ng iyong kaloobang nagpapatiwasay ng tadhana

(Sa gabi)

Dala ko ang aking mga hinagpis tungo sa papalubog na araw

Inilalagak ang aking mga alalahanin sa kanyang nagniningning na sinapupunan

Pinadalisay ng pagmamahal

Binago ng liwanag

Sila’y bumabalik upang maging mga kaisipang nagpapalakas

At mga kapangyarihan sa mga gawain ng maluwalhating pagpapakasakit


ORIGINAL: Archangel Michael Verse or Verse for Our Time (Rudolf Steiner)

We must eradicate from the soul all fear and terror at what comes to us from the future.

We must acquire serenity in all feelings and sensations of the future.

We must look forward with absolute equanimity to everything that may come.

And we must think only that whatever comes is given to us from a world direction full of wisdom.

It is part of what we must learn in this age – namely

to live in trust without any security in existence,

trust in the ever-present help of the spiritual world.

Truly, nothing else will do if our courage is not to fail us.

Let us discipline our will

and let us seek the awakening from within ourselves

every morning and evening.

(Morning)

O, Michael

I commend myself to thy care

I join myself to thy command

That this day may reflect

Your destiny ordering will

(Evening)

I carry my sorrows into the setting sun

Place all my cares into its radiant womb

Purified through love

Transformed through light

They return as strengthening thoughts

As powers for deeds of glorious sacrifice