Translation: The Little Flea and the Little Louse
Isinalin ni Janneke NEX Agustin mula sa Spindrift, pp115-116 “The Little Flea and the Little Louse”, folktale from France.
Si Kuto at si Pulgas
Isang araw sinabi ni Maliit na Kuto kay Maliit na Pulgas: Maliit na Pulgas, dadalhin ko itong mais sa gilingan. Mag-ingat ka at siguruhin mong hindi ka mahuhulog sa kasirola!
“Ha, ha, ha,” ang tawa ni Maliit na Pulgas, “wag kang magalala, hindi ako mahuhulog sa kasirola!” At umalis si Maliit na Kuto. Nagwalis ng bahay si Maliit na Pulgas, naghugas ng mga pinggan, nilinis ang kasirola at nagsindi ng apoy. At doon ay inilagay niya ang kasirola na puno ng sopas. Sa kanyang pagod, nagtungo si Maliit na Pulgas sa hardin at nahiga sa ilalim ng mga rosas. At siya ay mabilis na nakatulog.
Maya-maya pa ay umuwi na si Maliit na Kuto. Nang makita niyang nakabukas ang pintuan, siya ay natakot. “Maliit na Pulgas, nasaan ka?” ang tawag niya. Ngunit walang sumagot, sapagkat mahimbing na natutulog si Maliit na Pulgas sa ilalim ng mga rosas, at hindi nito naririnig ang kanyang pagtawag.
Naghanap si Maliit na Kuto, pumaroo’t pumarito, ngunit di niya makita si Maliit na Pulgas. At nang tingnan niya ang kasirola, ito ay kumukulo.
“Sa aba ko!”, ang hinagpis ni Maliit na Kuto, “tiyak na nahulog na si Maliit na Pulgas sa kasirola at nasunog. Sa aba ko!, hindi na ako magtatagal pa dito, at ako’y tutungo na sa malawak na mundo.” Makailang hakbang pa lamang si Maliit na Kuto ay tinanong siya ni Hapagkainan:
“Maliit na Kuto, bakit ka umiiyak?”
“Papaanong hindi ako iiyak? Nahulog si Maliit na Pulgas sa kasirola at nasunog, ayokong maiwan dito sa bahay nang nag-iisa!” At sinabi ng Hapagkainan:
“Kung mawawala ka rito
Sasama na lang ako sa iyo!”
Iniangat niya ang kanyang mga paa, at sumunod kay Maliit na Kuto. Nadaanan nila ang Lutuan at ito ay nagtanong:
“Maliit na Kuto, bakit ka umiiyak?”
“Papaanong hindi ako iiyak? Nahulog si Maliit na Pulgas sa kasirola at nasunog, ayokong maiwan sa bahay na nag-iisa, at si Hapagkainan ay sasama na sa akin.” At sinabi ng Lutuan:
“Kung mawawala kayo ni Hapagkainan rito
Sasama na lang ako sa inyo!”
For full copy of translation, send a message through the website contact form.