creations : Creative Works,

Translation: The Fisherman and his Wife

Sep 20, 2016

fisherman

Isinalin ni Janneke NEX Agustin mula sa Grimm’s Fairytale na “The Fisherman and his Wife”.

Ang Mangingisda at ang kanyang Asawa

May isang Mangingisda na nakatira kasama ang kanyang asawa sa isang dampang malapit sa dagat. Isang araw, na malinaw ang tubig-dagat ay nakahuli siya ng isang Lapu-lapu. Sinabi ng Lapu-lapu sa kanya, “O mangingisda, maawa ka, hindi ako tunay na isda kundi isang prinsipeng isinumpa, ako ay iyong palayain.”

“Halika,” ang wika ng Mangingisda, “talagang palalayain kita sapagkat nakapagsasalita ka.” At ibinalik niya ang isda sa dagat. Lumangoy ito palayo at ang Mangingisda ay umuwi sa dampa kung saan naroon ang kanyang asawa.

“Wala ka bang nahuli ngayong araw?” ang tanong ng babae.  “Wala,” ang sagot ng asawa, “may nahuli akong Lapu-lapu, ngunit isa raw siyang prinsipeng isinumpa, kaya’t pinalaya ko siya.” “Wala ka bang hiniling sa kanya bago mo siya pinalaya?” sabi ng babae. “Wala,” ang sagot ng lalaki; “ano naman ang hihilingin ko?” “Ah,” sagot ng babae, “sana sinabi mong gusto nating tumira sa isang munting kubo. Bumalik ka sa kanya at tiyak na ibibigay niya iyon sa atin.

Ayaw pa ring pumunta ng lalaki, pero hindi rin niya gustong makipagtalo sa kanyang asawa kaya siya ay bumalik sa dagat.

Nang makarating siya doon, ang buong karagatan ay kulay luntian at dilaw, at di na kasing payapa nung una; kaya’t siya ay tumayo ng tuwid at nagsabi,

“O Lapu-lapu sa karagatan,

Ikaw ay magpakitang muli sa akin,

Pagkat aking asawa, ang butihing Isabel,

Ang ayaw ko ay gusto niyang gawin.

Nagpakita ang Lapu-lapu at nagsabing, “At ano naman ang gusto niya?” “Ah,” sabi ng lalaki, “dahil ikaw raw ay aking nahuli kaya’t dapat mong pagbigyan ang aking kahilingan. Ayaw na kasi niyang tumira sa marumi at sira-sirang dampa. Ang nais niya’y magkaroon ng munting kubo.”

“Kung gayon, umuwi ka na,” sabi ng Lapu-lapu, “nasa kanya na ang nais niya.”

For a full copy of the translation, send a message through the website contact form.