Song: Torpe

Written for the play, “Sa Bandang EDSA”.
Music and composition by Noel Cabangon. Sung by Yarren Agustin and Nor Domingo.
Torpe
Nanginginig, nangangatog
Nanlalambot ang aking tuhod.
Nanlalamig, namumutla
Mundo’y bumibilis ang ikot.
Torpe, ako’y natotorpe
Ang ganda mo’y nakakatorpe.
Isang sulyap, isang tingin
Nililipad na ng hangin.
Isang ngiti, isang bati
Ligaya’y di na mapapawi.
Torpe, ako’y natotorpe
Ikaw ay torpe, ako’y natotorpe
Pag-ibig ay nakakatorpe.